Iniulat ngayon ng Commission on Audit (COA) na hindi naipatupad ng Philippine Navy (PN) ang tatlong proyekto na nagkakahalaga ng P154.64 million sa pamamagitan ng Deposit on Letters of Credit (DCL).
Batay sa 2018 report, sinabi ng COA na dahil sa hindi na implement na proyekto naging sanhi din ito sa paglobo ng idle funds ng Navy sa P2.2 billion as of December 31,2018.
Kabilang sa mga unimplemented projects ay ang kontrata mula sa Talon Security Consulting, joint ventures sa Propmech Corporation and SAAB, Krusik Ad Valjevo and Stone of David Tactical.
Ayon sa COA, ang Talon ay nakapag deliver ng goods pero anim sa walo ang naideliver at tested.
Habang ang kontrata naman sa Propmech and SAAB ay suspendido, habang sa Krusik Ad Valjevo and Stone of David ay undergoing ang deliberation ng Navy’s contract termination review committee.
Binigyang-diin ng state auditors na ang non-delivery of goods and services ay malinaw na breach of contract na makaka-apekto sa operational tempo ng Philippine Navy na posibleng maging hadlang sa pag accomplished ng kanilang misyon.
Dahil dito, hinimok ng COA ang Navy na i demand ang deliveries ng mga goods and services para hindi materminate ang kontrata sa mga suppliers at para maiwasan na rin na lumobo ang idle funds nito na sana magamit pa sa ibang mahahalagang bagay.
Binatikos naman ng COA na “ineffective” ang procurement outsourcing ng Philippine Navy sa Philippine International Trading Corporation (PITC) dahil hindi ito nagktakda ng timeline of delivery na disadvantageous sa AFP.
“The inability of the PITC to deliver the goods and services is contrary to the very purpose of procurement outsourcing which is to hasten project implementation and had resulted in accumulated huge idle funds,” pahayag ng state auditors.