Aabot sa mahigit P15M na halaga ng uncertified household appliances ang nakumpiska ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) at National Bureau of Investigation sa isang bodega sa Biñan, Laguna.
Ayon sa DTI, ang joint operation ay isinagawa noong September 17 bilang tugon sa impormasyon na natanggap ng opisina ng DTI sa Calabarzon.
Kasabay ng operasyon ay nadiskubre ng DTI at NBI ang aabot sa 93,800 na mga electric fans na tinatayang nagkakahalaga ng P12.4 million.
Nakumpiska rin ng mga tauhan ng dalawang ahensya ang 104,283 self-ballasted LED lamps na nagkakahalaga nang P2.3 million.
Ito ay hindi tumalima sa kaukulang Philippine safety standards para sa mga appliances.
Tiniyak naman ng DTI na magpapatuloy ang kanilang mga kahalintulad na operasyon para maharang ang mga illicit household product sa mga merkado .
Layon rin nito na masiguro ang kaligtasan ng mga custumer na bumibili at gumagamit nito.