-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Umabot sa P16.4-milyong halaga ng suspected shabu ang nakumpiska sa daan-daang operasyon ng mga pulis sa Negros Occidental sa loob ng anim na buwan ngayong taon.
Ayon sa data ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOPPO), umabot sa isang kilo at 641 grams ang nakumpiska sa buybust operations mula Enero 1 hanggang Hunyo 30.
Ang operasyon na isinagawa ng mga pulis ay umabot sa 345 at 470 katao ang naaresto.
Sa kabuuan, nagkakahalaga ng P16,419,400 ang nakumpiskang suspected shabu.
Ayon kay NOPPO spokesperson Police Major Edison Garcia, 855 na mga kaso kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naisampa sa korte ng iba’t ibang police stations.