-- Advertisements --
Pinangunahan ng pinagsamang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang pagsira sa mahigit 90,000 fully grown marijuana plants sa Kibungan, Benguet.
Ang bilang na ito ay katumbas ng halaga na aabot sa mahigit P18 million.
Resulta ito ng isinasagawang operasyon ng PDEA at PNP para masugpo ang ilegal na droga sa lalawigan.
Nadiskubre ng mga otoridad ang mga itinanim na marijuana sa 9,000-square meters na lupain sa Sitio Loccok, Barangay Badeo.
Nadiskubre ang P18 million na halaga ng fully grown marijuana plants mula sa dalawang lote .
Bilang tugon ay kaagad na sinunog ito ng mga otoridad para hindi na mapakinabangan pa.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nagtanim ng marijuana sa lugar.