-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Mahigit P2.1 milyon na halaga ng aabot sa 19 marijuana bricks na iniwan sa kahabaan ng national road sa Sitio Ngilin, Poblacion, Tinglayan, Kalinga ang nadiskubre ng mga awtoridad kahapon.

Nirespondehan ng Tinglayan Municipal Police at Kalinga Provincial Police ang operasyon sa pagkuha ng mga nasabing kontrabando.

Nadatnan ng mga awtoridad ang mga marijuana bricks na nakapaloob sa dalawang kahon na nakahalo sa mga binalot na dried fish at nakalapag sa daan.

Gayunman, walang nahuling suspek sa naturang operasyon habang patuloy na isinasagawa ng pulisya ang follow-up investigation para sa pagkakinlanlan at posibleng pagkahuli ng mga suspek.