-- Advertisements --

Baguio City–Mahigit sa P2.4-M na halaga ng marijuana ang nakumpiska sa Holy Week sa isang operasyong checkpoint sa Bontoc-Kalinga Road lalo na sa Cheta, Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province noong Abril 21, 2019.

Sa isang press release, sinabi ng PDEA at Police Regional Office – Cordillera na ang operasyon ay nagresulta sa pag-aresto ng tatlong lalaking turista na may dalang 22 piraso ng marijuana brick at tubular form na may tinatayang kabuuang timbang na 20,004 kilo at mga gamit sa droga.

Nakilala ang mga naaresto na mga turista na sina Paolalphiny Canilao Octavio, 22-anyos, estudyante; Jaden Rongavilla Residuo, 20-anyos; at John Loyd Ocampo Rojales, 21-anyos, lahat ng mga ito ay residente ng Muntinlupa City.

Sinabi ng mga operatiba na bago ang pag-aresto sa mga suspek, iniulat ng isang concerned citizen na may mga lalaki o suspek na magdadala o magbibiyahe ng mga ilegal na droga sa ruta ng Tinglayan-Bontoc.

Ang mga suspek ay humaharap ngayon sa paglabag sa RA 9165 o Ang Comprehensive Dangerous Drug Board ng 2002.