LA UNION – Umaabot sa P2.4 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa La Union matapos ang ilang araw na pag-ulan dulot ng habagat.
Base sa inisyal na report ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG), umaabot sa kabuuang P2,466,339 ang nasirang kapalayan, mga gulay at palaisdaan.
Mula sa naturang halaga, mahigit sa P1 million ang halaga ng mga nasirang palayan mula sa 193 ektarya na taniman.
Aabot naman sa P574,000 ang halaga ng mga nasirang gulayan mula sa 3.30 na ektaryang taniman, at P889,000 naman ang danyos sa mga palaisdaan.
Posible pang madagdagan ang mga tio dahil hindi pa dumating sa opisina ng OPAG ang evaluation report mula sa iba pang bayan sa La Union.
Una nang sinabi ng naturang opisina na may ibibigay na tulong sa mga naapektuhang magsasaka na naapektuhan ng mahigit isang linggong pananalasa ng habagat.