Nasa P2 milyon halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa ikinasang joint buybust operations ng mga operatiba ng 82nd Infantry Battalion sa pamumuno ni 1Lt Joseph Bacus at PDEA BARMM, sa Brgy Lalabungan, Balindong, Lanao del Sur.
Arestado ang dalawang drug presonalities sa nasabing operasyon na nakilalang sina Mr Saro Musa Manding at Mr Faisal Cader Lomna, pawang mga residente ng Brgy Baugan, Lumba Bayabao, Lanao del Sur.
Nakumpiska sa kanilang posisyon ang mga sumusunod:
300 grams na shabu;
P500 thousand pesos buy bust money;
2 units of cellular phone;
4 pieces identification cards;
2 leather wallet;
1 piraso gray black sling bag;
1 Toyota Revo
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA-BARMM ang dalawang naarestong drug suspeks para sa kaukulang pagsampa ng kaso.
Siniguro ng pamunuan ng 82nd Infantry Battalion na kaisa sila sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.