-- Advertisements --
DAVAO CITY – Sasampahan na ng kaso ng Toril Police station ang dalawa mga lalaki na kilalang mga big time shabu supplier matapos mahuli ang mga ito sa isinagawang drug buy bust operation ng otoridad kagabi.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Coco at kasamahan nito na si alyas Robert.
Isinagawa ang operasyon sa isang Inn sa Quirino Avenue nitong lungsod.
Ayon sa Toril PNP, nakuha sa posisyon ng dalawang suspek ang anim na mga jumbo at medium size na pakete ng illegal na droga na nagkakahalaga ng P2.5 million.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspetsado.