BUTUAN CITY – Malaki ang pasasalamat ng Seabirds Fuel na nakabase sa lungsod ng Butuan matapos mapasakay muli nila ang dalawang tsekeng nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso na napulot ng isang “good samaritan” kahapon at nai-turnover sa Bombo Radyo Butuan.
Ayon kay Kent Babangha, collector ng nasabing fuel company, ang kanilang pump technician na si Dodoy Oclarit ang may bitbit ng tseke na pambayad sana sa isa sa kanilang mga fuel suppliers na taga-Cagayan de Oro City.
Sa kanilang opisina na napansin ng kanyang kasamahan na wala na ito at upang hindi magamit ng mga posibleng magsamantala ay kanila na itong pinakansela sa bangko.
Pinasalamatan din ni Babangha ang hindi nagpakilalang collector at meter reader ng Agusan del Norte Electric Cooperative, Inc., dahil sa magandang ehemplong ginawa nito.