-- Advertisements --
ZAMBOANGA CITY – Aabot sa 45 kahon ng iba’t-ibang smuggled na sigarilyo ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City Port.
Natagpuan ang mga kahon ng tinatayang P2.2 million smuggled cigarettes sa MV Erlinda ng Montenegro Shipping Lines Incorporated.
Sa eksklusibong panayam ng Star Zamboanga sa BOC, kaya nila kinumpiska ang naturang kahon-kahong sigarilyo ay dahil wala itong permit.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon kung bakit nakapasok ang smuggled na sigarilyo sa Zamboanga.