Arestado ang dalawang drug suspeks sa ikinasang buy-bust operations ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Dasmariñas, Cavite, kung saan nakuhanan ang mga ito ng tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20.4 million.
Kinilala ni PDEG Director P/BGen. Ronald Lee ang mga naaresto na sina Ranier Reboriano, 25-anyos at Joshua Legazpi, 34 years old na pawang mag pinsan.
Ang dalawa ay tubong Kalibo,Aklan at kasalukuyang naninirahan sa Cavite.
Sinabi ni Lee, ikinasa ang nasabing operasyon sa may Tierra Vista Homes kung saan dito nahuli ang mag pinsan, nasabat din sa nasabing bahay ang ilan pang mga naka packed na illegal drugs na nakasilid sa green foil bags na may mga Chinese name.
Narekober din sa dalawa ang isang Caliber 30 carbine mga bala ng kalibre 45 baril at hindi tinukoy na halaga ng buybust money.
Nag-ugat ang nasabing operasyon sa “Coplan Blood Stone” o ang sabwatan ng ilang Tsino at mga Muslim sa kalakalan ng iligal na droga kung saan, nag ooperate ang mga ito sa NCR at Calabarzon.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11, Art II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 RA 9165 ang kahaharapin ng dalawang suspeks.
Ibinunyag din ni Lee na miyembro ang dalawa sa Manila-Mindanao drug network.