Pumalo na sa mahigit P20-M ang naipamahagi ng DSWD sa mga benepisyaryo ng ‘Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay Cash For Work Project’ sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Ipinamahagi ito sa pamamagitan ng short-term cash allowance para sa 11,437 target beneficiaries ng nasabing proyekto mula sa 21 barangay sa nasabing probinsya.
Ito ay isang short-term cash allowance na pinangangasiwaan ng KALAHI-CIDSS Regional Program Management Office ng DSWD Caraga.
Naging maayos ang proseso ng pamamahagi ng nasabing pondo sa pakikipagtulungan ng Municipal Coordinating Team at barangay officials.
Ang nasabing programa, ay nagbibigay ng oportunidad sa mga residente na kumita sa panandaliang pagtatrabaho sa kanilang komunidad.
Ayon sa ahensya, bahagi ito ng dedikasyon at pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang kapasidad ng mamamayan sa bawat komunidad at matulungan silang makabangon sa kahirapan.