-- Advertisements --

Umabot na sa P23 milyong halaga ng mga produktong agrikultura ang nasira sa pananalasa ng bagyong Maring sa Quezon Province.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), siyam na road sections at dalawang tulay ang hindi pa rin maaaring madaanan ng mga motorista.

Kabilang dito ang Gumaca-Pitogo-Sisiran-Mulanay-San Narciso Road; gayundin ang Malicboy Junction-Padre Burgos Unisan sa Quezon; Manila South Road; Daang Maharlika sa Barangay San Isidro, Atimonan, Quezon; Tagaytay Taal Lake Road sa Barangay San Jose; Sta. Cruz Poblacion Road sa Laguna; Calauan Nagcarlan Road sa Barangay Manaol sa Laguna; at Cainta Kaytikling-Antipolo-Teresa-Morong Road sa Rizal.

Umabot naman sa 1,052 bahay ang nasira sa Cavite, Laguna, at Quezon Province.

Sa naturang bilang, 892 ang partially damaged at 160 ang totally damaged.

Nananatili naman sa 218 na evacuation centers ang mahigit sa 6,828 na mga indibidwal.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, nakatanggap sila ng report na pumalo na sa siyam ang fatalities dahil sa Bagyong Maring.

Pero anim aniya rito ay hinihintay pa nila ang confirmation mula sa Department of the Interior and Local Government.