-- Advertisements --
Mahigit P20-M na halaga ng farm-to-market road ang nakatakdang itayo ng Department of Agrarian Reform sa lalawigan ng Negros Oriental.
Ayon sa ahensya, nakikipag coordinate na sila sa lokal na pamahalaan ng Ayungon para kaagad na umusad ang naturang proyekto.
Ito ay may kabuuang haba na 1,090 kilometers at pinondohan sa ilalim ng Agrarian Reform Fund ng ahensya.
Sa isang pahayag, sinabi ni DAR Central Visayas Assistant Regional Director Arthur Dulcero na aabot sa 200 agrarian reform beneficiaries maging mga residente sa lugar ang makikinabang sa proyektong ito.
Layon nito na maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa naturang lugar.
Inaasahan rin na makatutulong ito sa pagkakaroon ng access sa merkado at paglago ng ekonomiya sa lalawigan.