-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patuloy sa ngayong pinaghahanap ng mga mga otoridad ang dalawang suspek na may kaugnayan sa illegal drug operation sa probinsiya ng North Cotabato.

Sa report na ipinaabot sa Bombo Radyo Koronadal, nagsagawa ng search warrant operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP at militar sa bayan ng Pigcawayan laban kina Abdulsalam Maraguiar at Antolin Akmad na pinaniniwalaang mga miyembro ng drug syndicate na nag-o-operate sa probinsiya.

Nakatakas naman ang mga target ng operasyon subalit narekober sa posisyon ni Maraguiar ang isang sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng halos P43,000.

Nakuha naman sa bahay ni Akmad ang apat na sachets ng pinaniniwalaan shabu na nasa P170,000 ang halaga.

Sa ngayon, patuloy na manhunt operation ng mga otoridad laban sa mga nakatas na suspek.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga ito.