Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark ang aabot sa 31,250 grams ng Methamphetamine Hydrochloride o Shabu na unang idineklara bilang mga routers.
Ito ay tinatayang nagkakahalaga ng kabuuang P212,500,000.00.
Matapos na makatanggap ang mga kinauukulan ng isang derogatory information mula sa PDEA, ang naturang shipment ay kaagad na isinailalim sa x-ray scanning at K9 sniffing.
Ang parehong paraan ng inspection ay nagpakita ng posibleng presensya ng pinagbabawal na gamot.
Dinala ang nakuhang mga routers sa PDEA for chemical laboratory analysis at kinumpirma nito na ang presensya ng Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala sa tawag na Shabu.
Ito ay malinaw na paglabag sa ilalim ng R.A. No. 9165.
Kaagad na naglabas ang ahensya ng Warrant of Seizure and Detention sa pangunguna ni District Collector Erastus Sandino B. Austria laban sa naturang shipment.
Ito ay para sa paglabag sa ilang section ng R.A. No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa R.A. No. 9165.
Binigyang diin ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio na patuloy nilang pinalalakas ang mga security measures ng mga borders ng bansa at bilang tugon sa direktiba ni PBBM.