Pumalo na sa mahigit ₱22-M ang kabuuang halaga ng tulong ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyan apektado ng pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Terranova sa Limay, Bataan.
Ayon sa ahensya , ang bilang na ito ay inaasahan pang madadagdagan sa mga susunod na araw habang hindi pa nareresolba ang naturang problema.
Paliwanag ng DSWD, binubuo ang humanitarian assistance ng mga family food packs .
Ito ay naipagkaloob na ng kanilang mga tauhan sa mga mga apektadong pamilya sa Bataan at Cavite.
Batay sa datos, as of August 10, lumubo na sa 44,000 na pamilya o 167,857 na indibidwal ang naiulat na apektado ng oil spill.
Tiniyak rin nito na tuloy-tuloy ang kanilang ipapamahaging tulong para makagaan sa pasanin at problema ng mga apektadong residente lalong lalo na sa mga mangingisda.