-- Advertisements --
image 362

Halos P26 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Arestado ang dalawang tulak ng droga na sina alyas “Edwin” na nagbabagsak ng droga sa iba-ibang lugar sa Metro Manila, ayon kay Col. Ruben Lacuesta, hepe ng Caloocan police.

Nasa 3,800 gramo naman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P25.8 milyon ang nakumpiska sa mga suspek.

Hinigisan daw ng suspects ng granada at pinagbabaril ang drug enforcement unit ng Northen Police, ayon kay Lacuesta. Pero sa kabila nito, aniya, hindi matitinag ang mga pulis sa paghuli sa mga suspects.

“Hindi po tayo titigil kahit na sabihin na mayron pong ganyang na maga insidente ay mas lalong nandoon yung motivation na talagang mas aaggresive pa ‘yong ating gagawin,” ani Lacuesta.

Dagdag pa niya, naghigpit na rin ng seguridad ang pulisya sa kanilang tanggapan para tiyaking hindi na mauulit ang insidente.

Mahahara naman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si “Edwin” at ang kaniyang kasabwat.