Arestado ang nasa 16 na indibidwal at nasa P252,100 halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pasig police sa ikinasang joint operation kahapon ng hapon.
Nagpatupad ng tatlong search warrants ang PDEA at Pasig police sa may San Agustin Street, Pinagbuhatan, Pasig City.
Kasama ng PDEA ang mga tauhan ng Pasig Police Station at mga tauhan ng Anti-Drug Abuse Council at mga barangay officials sa pagsisilbi ng search warrants.
Nakilala ang mga naarestong indibidwal na sina: Dante Medez, 50; Irish May Agustin, 24; Jil Jimenez, 40; Paolo Villaruel, 36; Jeffrey Villaruel, 45; Michael Laron, 34 y/o; Arvin Calpito, 47; Jerry Qulobe, 46; Ramon Jimenez, 47; Jommel Quijano, 31; Kevin Quijano, 24; Norman Salik, 38; Mapandi Joharah, 23; Jalil Anowar, 32; Jalil Rasmai, 37; at Elias Mohammad Salih, 20.
Nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang raid ang ilang mga plastic sachets na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000 at mga dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P500.
Sa isa pang bahay na sinalakay ng mga otoridad nakuhanan ito ng walong plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P81,600.
Home Top Stories
Higit P252-K illegal drugs, 16 arestado sa ikinasang operasyon ng PDEA, Pasig police
-- Advertisements --