Ipinagmalaki ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakumpleto nitong flood-control project sa lungsod ng Maynila.
Kung saan natapos ng gawin ang ika-apat na phase ng naturang proyekto sa Baseco Compound na magsisilbing unang depensa ng mga residente sa posibilidad na pagtaas ng tubig sa ilog.
Sa isang pahayag ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, iniulat sa kanya ng DPWH National Capital Region ang pagkakakumpleto sa slope protection na may habang higit 270 linear meters.
Maalala na una ng natapos gawin ang tatlong phase nito na may total budget costing na P285.34 million habang ang ika-apat na ngayo’y natapos na ay nagkakahalaga naman ng higit P96 million.
Inaasahan na makukumpleto ang ilan pang phase ng proyekto sa ilalim ng pagpondo mula sa 2025 General Approriations Act ng pamahalaan.