-- Advertisements --

boc

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of NAIA ang nasa P29 million halaga ng mga hindi rehistradong gamot sa pamamagitan ng anim na shipment mula sa Hongkong.

Ang mga nasabing gamot ay nakalagay sa 146,600 kahon at walang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon sa pahayag na inilabas ng BOC-NAIA hindi ma locate ang address ng consignee.
Ang nasabing kahon ay naglalaman ng Lianhua Qingwen Jiaonang, isang traditional Chinese medicines regulated ng FDA.

Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang gamot ay isasailalim sa seizure and forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) in relation to Section 117 (Regulated Goods) of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), and the Food and Drugs Act.