Nakumpiska ng mga otoridad ang aabot sa mahigit P3.2-M na halaga ng illegal fishing boats matapos ang kanilang ikinasang seaborne patrol operation sa Lamon Bay .
Batay sa ulat, namataan ng mga operatiba ang apat na unmarked fishing boats na natukoy na isang Danish seine vessels (buli-buli) .
Ito ay ilegal umanong nag ooperate sa 12 kilometers mula sa dalampasigan ng Balesin Island.
Matapos na sumailalim sa pagsusuri ay natukoy na hindi rehistrado ang apat na fishing boats habang isang bangka naman ang nakatakas.
Mahaharap naman ang operator nito sa kasong paglabag sa Republic Act 8550 o Philippine Fisheries Code of 1998 o Republic Act 8550 na inamyendahan ng RA 10654 .
Nakuha rin sa mga ito ang ibat ibang uri ng isda na may bigat na 1.2 tons at nagkakahalaga ng P216,000.
Nasa kustodiya na rin ng mga otoridad ang mga mangingisdang sakay ng naturang mga bangka.