-- Advertisements --
Pumapalo na sa mahigit P3.6 milyon ang kabuuang halaga ng ayuda ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang bagyong Aghon sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao.
Ayon kay Dumlao, kabilang sa mga lugar na nabigyan ng tulong ay ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, maging ang Eastern Visayas.
Batay sa datos ng ahensya, aabot na sa higit 36,000 na pamilya katumbas ng mahigit 128,000 na individual ang naapektuhan ng bagyo mual sa nasabing mga rehiyon.
Ang ilan naman sa mga ito ay nananatili pa rin sa mga evacuation areas sa NCR at Calabarzon.
Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng ahensya sa mga apektadong indibidwal.