-- Advertisements --

CEBU CITY – Kulong ang tatlong drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P3 milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang buybust operation sa Brgy. Carreta, lungsod ng Cebu.

Kinilala ang umano’y bigtime drug personality na si Ernesto Ungos, alyas Baludoy, 25-anyos at ang mga kasama nitong sina William Banunot at Arnel Abella.

Nasabat ng mga tauhan ng Mabolo Police Station ang kalahating kilo ng pinaniniwalaang shabu at isang caliber 45 na armas.

Ayon sa hepe ng Mabolo Police Station na si Police Major Dindo Alaras, nagsimula sa pandurukot si alyas Baludoy ngunit hindi kalaunan ay pumasok na umano ito sa illegal drug transaction nang nakausap niya ang isang drug lord.

Dagdag pa ni Alaras na bawat linggo ay nakakapag-dispose si alyas Baludoy ng malalaking halaga ng droga.

Kasalukuyan pang bina-validate ng pulisya ang nakalap na impormasyon tungkol sa pinagkukunan ng shabu mula sa mga nahuling drug personality.

Kakasuhan ang tatlong drug personalities ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, illegal possession of firearms at paglabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.
Top