-- Advertisements --

CEBU CITY – Aabot sa hindi bababa sa P3.4 milyon na halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga ang nasamsam mula sa bahay ng isang konsehal sa Barangay Lawaan III sa Talisay City, Cebu, kaninang umaga.

Pinamunuan ni S/Insp. Alejandro Batobalonos at S/Insp. Nazareno Emia kasama ang team ang mga operatiba mula sa Provincial Intelligence Branch at Provincial Drug Enforcement Unit ang pagsalakay sa bahay ni Konsehal Bimbo Ramos.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan na sangkot si Ramos sa kalakalan ng iligal na droga.

Nagpapahintulot din umano ito sa mga drug suspect na gamitin ang kanyang bahay bilang imbakan ng mga droga.