-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pumalo na sa mahigit P33.8-M ang halaga ng tulong na naipaabot ng kanilang ahensya sa mga apektadong pamilya dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon.

Sa naging pahayag ng ahensya, nakatuon pa rin ang kanilang mga ipinapadalang family food packs sa mga indibidwal na naapektuhan ng naturang insidente mula sa Western at Central Visayas.

Batay sa datos ng DSWD, sumampa na sa mahigit sampung libong pamilya o katumbas ng 44,124 na indibidwal ang nananatiling apektado ng mga aktibidad ng Kanlaon Volcano.

Nasa mga itinalagang evacuation center naman ang nasa 4,886 na pamilya o 5,487 na indibidwal dahil sa pagputok nito.

Sa kanila nito ay tiniyak ng DSWD na nananatiling sapat ang kanilang stockpiles at standby funds.