-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nakapagpamahagi na ang lokal na pamahalaan ng Baguio City ng mahigit sa P33 million na halaga ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa report ng lokal na pamahalaan, naging benepisaryo ng programa ang 24,505 na katao mula sa lahat ng barangay ng lungsod.

Tiniyak ni Mayor Benjamin Magalong na nagpapatuloy ang paghanap ng lungsod ng paraan para mas lalo pang mapabilis ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga residente.

Isa sa mga paraang ginawa ng lungsod ay ang pakikibahagi ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) sa pagproseso sa mga aplikasyon sa SAP at sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga kuwalipikadong benepisaryo.

Isinailalim sa orientation ang halos 300 na opisiyal ng SK sa lunsod na tutulong sa mas mabilis na pamamahagi ng tulong sa ilalim ng SAP.