-- Advertisements --

(Update) KORONADAL CITY – Nasa P350,000 halaga ang naitalang danyos sa pananalasa ng malakas na hangin na may kasamang pag-ulan sa Tacurong City.

Ito ang inihayag ni Tacurong City Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Rodrigo Jamorabon sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Jamorabon, labis na apektado ang Brgy Baras sa nasabing lungsod kung saan limang bahay ang naitalang totally damaged dahil sa buhawi.

Nabunot din umano ang apat na malalaking kahoy sa nasabing barangay na naging dahilan upang matamaan ang isang bonggo truck at maging pader ng Josue Alcasid Central Elementary School.

Wala naman naitalang casualty o sugatan sa nasabing pangyayari.

Sa ngayon, ipinasiguro ng LGU Tacurong ang tulong sa mga apektadong residente.