Nasakote ng mga tauhan Bureau of Customs ang nasa 17 na luxury cars na pinaghihinalaang smuggle sa isang warehouse sa lungsod ng Makati.
Batay sa naging pagtataya ng ahensya, ito ay may kabuuang halaga na aabot sa P366 million.
Ayon kay BOC-Customs Intelligence and Investigation Service Director Verne Enciso , binisita nila ang lugar para ihain ang Letter of Authority sa shop owner o representante ng warehouse.
Naging katuwang nila ang Philippine Coast Guard’s Task Force Aduana sa paghahain nito.
Paliwanag ni Enciso na ang Letter of Authority ay importante upang matukoy ang legitimacy ng mga sasakyang imported.
Makakatulong rin ito para matiyak na bayad ng tama ang tax nito.
Mga kilalang brand ng sasakyan ang nasakote ng mga kinatawan ng BOC.
Sa ngayon ay pansamantalang isinara ang lugar partikular na ang showroom at storage facility habang isasagawa ang proper inventory ng Customs examiners.