-- Advertisements --
BACOLOD CITY –Nasa P3.4 million na halaga ng suspected shabu ang nakumpiska sa buybust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Negros Oriental sa Barangay Looc, Dumaguete City, Negros Oriental kahapon.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo, ang subject person na si Jovic Kalibo ang kino-contact ng posuer buyer ngunit noong sila ang nagsasagawa na ng transaksyon, pumasok ito sa tindahan ni Evelyn Jimenez, 63-anyos.
Si Jimenez ang nag-abot ng 500 gramos na suspected shabu at siya rin ang tumanggap ng boodle money.
Nang pasukin ng mga otoridad ang tindahan at hinanap si Kalibo, nakatakas na ito.
Kanila namang naaresto si Jimenez.
Sa ngayon nasa kustodiya ito nga PDEA-Negros Oriental at nakatakdang sampahan ng kaso.