-- Advertisements --

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang cash aid na handog nila para sa mga mangingisda at magsasaka na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa Bicol Region.

Umabot sa mahigit P4.9 milyong piso ang kabuuang bilang ng mga ayuda na naibigay sa mga ito bilang karagdagang tulong sa naging epekto ng bagyo sa kanilang hanapbuhay.

Ito rin ay magsisilbing ding dagdag pangkabuhayan sa kanila dahil ilan pa rin sa mga pamilya ay nananatili pa ring sira ang mga tahanan at pawang mga naguumpisa pa lamang muli.

Ayon din kay Disaster Response Management Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, ang cash aid na ipinaabot ng kanilang ahensya ay para makarekober ang mga magsasaka at mangingisda mula sa pinsalang iniwan ng sunod-sunod na bagyo noong buwan ng Nobyembre.

Samantala, ang ipinamahaging tulong pinansyal ng ahensya ay isa pa rin sa kanilang relief operations at tulong para sa mga nananatili pa ring mga apektadong residente.