-- Advertisements --
CEBU CITY – Aabot sa P4.4 million pesos ang halaga ng nabunot na Marijuana sa isinagawang operasyon ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) sa may bundok na bahagi ng Sitio Agop Dako , Barangay Gaas, Balamban at sa Purok 3, Brgy. Tungkay, lungsod ng Toledo, Cebu
Ayon kay Police Major Christian Torres, hepe ng Balamban Police Station, 11,000 stalk ng tanim na marijuana ang kanilang nabunot sa malaking ektaryang lupain sa naturang lugar.
Nang papunta palang umano ang mga operatiba ay natunugan ito ng mga nagtatanim kaya naman nakatakas ang mga ito.
Samantala, narekober ng mga operatiba ang 45 caliber pistol sa lugar matapos makatakas ang mga nagtatanim ng marijuana.
Sinunog na rin ng PDEA ang mga nakuhang tanim na marijuana.