Aabot sa P40,675,916 na halaga ng pinsala sa mga Electric Cooperatives ang naitala ng National Electrification Administration matapos ang sunod-sunod na pagtama ng bagyo sa bansa.
Batay sa datos ng NEA-DRRMD, nakaapekto sa mga electric coop ang Bagyong Marce, Nika, Ofel at Pepito.
Patuloy ring minomonitor ng ahensya ang 27 ECs na nag-ooperate mula sa 21 lalawigan.
Ito ay nagmula naman sa pitong lalawigan sa bansa.
Ayon sa NEA, dahil sa pananalasa ng bagyong Pepito , itinigil muna ang operasyon ng AURELCO sa lalawigan ng Aurora, FICELCO sa lalawigan ng Catanduanes.
Kabilang din sa humintong operasyon ay ang NUVELCO sa Nueva Vizcaya at QUIRELCO sa probinsya ng Quirino.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang isinasagawang pagsasaayos sa 22 ECs upang maibalik ang normal na serbisyo sa mga kostumer.