ILOILO CITY – Umabot na sa higit P40 million na halaga ng food and non-food items ang naipamigay na ng Department of Social Welfare and Development Region 6 sa mga indibidwal at pamilya na apektado ng oil spill sa Caluya, Antique.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Claud Jan Marquez, Disaster Response Operations Monitoring and Information Center Focal ng Disaster Response and Management Division, sinabi nito na may P41 million na halaga ng tulong na naipamigay sa apektado na pamilya.
Sa nasabing assistance, mahigit sa P36.2 million ang idinaan sa Emergency Cash Transfer, Cash for Work, at Assistance to individuals in crisis situations program.
Ang P4.3 million naman ang idinaan sa family food packs.
Hindi pa dito kasama dito ang 4,000 na family food packs na dumating sa Caluya nitong nakaraan lang.
May non-food items naman kagaya ng mga boots, modular tents, at sakoline.
Mataandaan na isinailalim ang Caluya sa state of calamity dahil sa epekto ng oil spill at hindi pinahintulutan ang pangingisda sa apektado na mga lugar sa dagat.
Tiniyak naman ng ahensya na habang hindi pa natatapos ang clean-up activities, magpapatuloy ang cash-for-work program at ang ibinibigay na humanitarian assistance.