Walang patid pa rin ang paghahatid ng pamahalaan ng karampatang tulong para sa mga naapektuhan ng matinding epekto ng El Nino sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot na sa mahigit ₱404 milyon ang ipinaabot ng pamahalaan bilang tulong sa mga apektado ng tag-init.
Kabilang na rito ang mga financial assistance na ipinaabot sa mga residente ng lalawigan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan ng MIMAROPA region.
Ang naturang tulong ay ipinaabot sa pamamagitan ng Department of Agriculture.
Aabot naman sa halos 30,000 na mangingisda na apektado ang pamumuhay dahil sa El Niño ang nakatanggap ng tulong.
Batay sa datos, pumalo na sa mahigit ₱1.2 bilyon ang pinsala ng matinding tagtuyot sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Pinakamalaking danyos ang Region 6, sinundan ng MIMAROPA, CALABARZON, Region 9, Region 1 maging ang Region 2.
Itinaas na rin ang state of calamity sa ilang lungsod at bayan ng Oriental Mindoro at Zamboanga city dahil sa El Niño phenomenon.