Sinunog ng mga otoridad ang aabot sa P42.3 million na halaga ng Marijuana kasabay ng pagsasagawa ng eradication operations sa ilalim ng “Oplan: Ganja 2″ sa bayan Tinglayan sa lalawigan ng Kalinga.
Ayon kay Kalinga chief of police Police Col. James Mangili, katumbas ito ng kabuuang 73,500 fully grown marijuana plants na nakatanim sa 3,950-square meters na lupain.
Sinira rin ng pulisya ang nasa 230 kilograms na pinatuyong dahon ng marijuana sa dalawa pang plantations sa lugar.
Kinilala naman ni Mangili ang mga tauhan nito matapos ang matagumpay na operasyon .
Nangako rin ito na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng ganitong uri ng operasyon para mabawasan ang mga ilegal na droga sa lugar na sumisira sa mga komunidad.
Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Pulisya para matukoy ang mga personalidad na nasa likod ng pagtatanim nito.