-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 454 Million Pesos para sa pagbili ng 173 na sasakyang pang-medikal sa ilalim ng programa ng Department of Health’s Health Facilities Enhancement Program (DoH-HFEP).
Kasama sa mga bibilhin ang 161 na mga ambulansya, 2 mobile clinics, 4 na ambulansyang pandagat, 4 vans, 1 patient transport van at 1 mobile blood donation van.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandama, ang ganitong inisyatiba ay magbibigay daan upang mas mapabilis pa ang pagtugon medikal sa publiko.
Bahagi ng estratehiya ng Department of Health (DOH) ang HFEP upang bawasan ang mga kakulangan na kinakaharap ng bansa sa health care system.