Nasa P455.6 million pesos halaga ng iligal na droga ang nasabat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), PDEA-NCR, Las Pinas PNP sa ikinasang anti-illegal drug operations kaninang alas-5:00 ng madaling araw sa may F Manalo St., Golden Acres Subdivision, Las Pinas City.
Ayon kay PNP OIC Lt.Gen. Archie Gamboa ang nasabing operasyon ay follow-up sa naunang operasyon sa Makati City kung saan arestado ang isang Chinese national.
Sinabi ni Gamboa nasa kabuuang 67 kilograms na hinihinalaang shabu na may market value na P455.6 million pesos.
Sa ngayong nagpapatuloy pa ang imbentaryo sa mga nakumpiskang iligal na droga.
Batay sa report, isang Ms. Maria Clavo may-ari ng apartment, tumawag umano kay PLt.Gen. Camilo Cascolan at sinabihan hinggil sa umanoy iligal na droga na naka imbak sa isang apartment na nirerentahan ng isang tenant sa kaniya.
Agad na nag request ng tulong sa PDEG at SWAT team ang heneral para magsagawa ng operasyon
Kinilala ng may-ari ng apartment ang tenant ng apartment na si Melanie Salem umanoy live-in partner ng naarestong suspek na si Joel Bustamante nuong November 27, 2019 sa Las Pinas.