-- Advertisements --

Umabot sa mahigit P4 milyong na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa dalawang magkahiwalay na operasyon kagabi Hulyo 19 nitong lungsod ng Cebu kung saan dalawang drug suspek ang arestado.

Unang naaresto sa isinagawang operasyon sa Sitio Riverside Brgy. Lorega ang isang kinilalang si John Christian Noynay, 23 anyos matapos makumpiska ang 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P1,000,020.

Samantala sa isa pang hiwalay na operasyon na isinagawa sa Brgy. Mambaling, arestado ang isang lalaking kinilalang si Chanchan Sumayang matapos makumpiska ang aabot sa 350 gramo ng droga na nagkakahalaga ng aabot sa P2.3 million pesos.

Ibinunyag pa ng mga otoridad na pinsan umano ni Chanchan ang source ng shabu nito na kasalukuyang nakakulong sa Cebu City jail at kilala bilang si alyas Jojo Sumayang.

Sa ngayon, nakadetain na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.