-- Advertisements --

PDEG2

Itinuturing na “biggest haul” ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang anti-drug campaign ang nasabat na higit P5.1 billion pesos na halaga ng umanoy shabu sa ikinasang operasyon ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kahapon ng hapon sa Marilao,Bulacan.


Ang matagumpay na operasyon sa Bulacan kahapon ay resulta ng matagal na surveillance.
Sa panayam kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, kanila ng tinitignan ngayon ang profile ng Chinese suspect na nakilalang si Yuwen Cai na posibleng miyembro ng isang International Drug Syndicate.

Arestado din ang dalawang Pinay na kasabwat ni Yuen Cai na sina Angela Miole Tulio, at Ma. Lyn Miole Tulio.

Iniimbestigahan na ngayon ng PNP ang kaso para mabatid ang lawak ng network ng nahuling Chinese at kung saan saan dini distribute ang 756 kilos na umanoy shabu na nakasilid sa isang lata ng biskwit.

May ginagawa na ring tracing ang PDEG para sa iba pang mga kasabwat nito at kung paano ang kanilang operasyon.

Sinabi ni Gamboa maaaring trusted man ang inarestong Chinese ng isang bigtime drug personality.

Naniniwala si Gamboa na galing sa ibang bansa ang nasabat na iligal na droga base na rin sa packaging nito na may Japanese characters, kahalintulad din ito sa mga narekober nuon ng PNP.

PDEG3

Malaki ang posibilidad na dini distribute ang malaking halaga ng iligal na droga sa Visayas at Mindanao.

Binigyang-diin ng heneral na wala ng malalaking shabu laboratories ang nag ooperate ngayon dito sa Pilipinas kung meron man ito ay mga kitchen type laboraties na lamang.

Ayon naman kay PDEG director, Brig. Gen Romeo Caramat Jr., nananatiling da kustodiya nila ang mga suspeks habang hinahanda ang isasampang kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni Gamboa ang matagumpay na operasyon ng PDEG.

Ayon naman kay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Wilkins Villanueva, malakihan ang ibinebentang droga sa nasabing lugar na kayang mag-operate sa buong bansa.

Naniniwala ang PDEA chief na ang nalansag ng Pulisya ay bahagi ng operasyon ng isang International Drug Trafficking Organization dahil sa bultu-bulto kung magsuplay ito ng shabu sa bansa.