-- Advertisements --

PDEA2

Nasa mahigit P5.1 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy tablets ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang controlled delivery operation sa Quezon City nitong gabi ng Sabado.

Arestado sa nasabing operasyon ang dalawang babaeng drug suspek.

Ikinasa ang operasyon matapos sabihan ng mga custom official mula China ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) tungkol sa package galing Netherlands na hinihinalang may laman na ilegal na droga.

Nang isailalim sa examination noong Enero 20, nakita ng mga awtoridad ang hinihinalang ecstasy sa package.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueba ang dalawang babae na inaresto na sina Evelyn Sotto alias Jennica Abas at Genevie Abas na kapwa nakatira sa 66 Agno Street, Barangay Tatalon, Quezon City.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang pakete na naglalaman umano ng 3,034 tablets ng MDMA (Ecstacy) na may street value na Php 5,157, 800.00.