NAGA CITY – Mahigit P5-milyon ang halaga ng pinaniniwalaang cocaine at shabu ang nakumpiska sa dalawang itinuturing na high value target (HVT) sa bayan ng Real, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na isinailalim sa buy bust operation ang mga suspek na sina John Paul Avellano Astoveza, 22; at Mark Aljon Larita Buendicho, 26.
Unang nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P340.
Ngunit nang inaresto na ang mga suspek, nakuha pa sa pangangalaga ni Astoveza ang isang sachet ng shabu na nasa mahigit P400 ang halaga at isang plastic bag na may laman naman ng pinaniniwalaang cocaine na nasa 990 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P5.2-milyon.
Maliban dito, narekover pa kay Buendicho ang isang sachet na mahigit P200 ang halaga.
Sa ngayon nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang dalawang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.