-- Advertisements --
Nasa P5.2 billion halaga ng sangkap sa paggawa ng shabu ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Valenzuela City.
Kabilang sa mga sangkap ng shabu na winasak ng PDEA ang tartaric acid na may 975,000 kg na nagkakahalaga ng P3.217 million; ammonia nasa 630 liters at accetix acid na nasa 1,485 liters.
Ayon kay PDEA Public Information Office Derrick Carreon, ang mga winasak ay bahagi ng bilyong pisong halaga ng mga iligal na droga na winasak noon ng ahensiya sa Integrated Managements Incorporated sa Barangay Aguada Trece, Martirez City, Cavite.
Sinasabing ang mga ito ay natira dahil sa hindi ito pwedeng isalang sa incinerator dahil sasabog ito.
Ang nasabing kemikal ay maaari lamang wasakin sa pamamagitan ng chemical treatment.