-- Advertisements --
250px Ph locator negros occidental enrique b. magalona
Negros occidental

BACOLOD CITY – Mahigit P5-milyong suspected shabu ang nakuha habang limang indibidwal naman ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency sa dalawang bahay sa Brgy. Matab-ang, Talisay City, Negros Occidental.

Unang pinasok ng PDEA ang bahay na pagmamay-ari ni Rhodora Jamantoc alyas Neneng, 57, at isang high value target ng ahensya.

Naaresto si Jamantoc at ang tatlong lalaki na kasama nito sa bahay na sina Robert Descutido, Ellabon Escober, at Eul Vincent Suanico.

Narekober ng mga pulis ang 650 grams ng suspected shabu na nagkakahalagang P4.4-milyon.

Ayon kay PDEA Agent Bamboo, pamangkin ni Jamantoc ang isang nahuli habang nagbista lang ang dalawa.

Matapos hinalughog ang bahay ni Jamantoc, isinearch naman ng mga otoridad ang bahay ni Mark Line Cuadra alyas Fiveball na katabi lang sa bahay ng female subject.

Gamit ang sniffer dog, narekober din ng PDEA sa ground floor ang 100 grams ng suspected shabu na nanagkakahalaga ng P1-milyon.

Ayon kay Agent Bamboo, kaso sa paglabag sa Section 11 ng Comprehensive Dangeroud Drugs Actt o possession of illegal drugs ang isasampa laban sa mga naaresto.

Base naman sa rekord ng PDEA, parehong kaso ang hinaharap noon ni Cuadra at Jamantoc ngunit nakalabas ini matapos nakapiyansa.

Mula sa high value target operation, isinampa kanina sa high impact operation ang category ng operasyon na isinagawa ng PDEA dahil sa laki ng halaga ng shabu na kanilang nakuha.