-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Susunugin ang mahigit P50 million na halaga ng mga marijuana plants sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet sa susunod na Linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera Regional Director Gil Castro, bahagi ito ng isasagawang ceremonial burning, umaga ng October 19, 2020.

Aniya, inaasahang sasaksihan ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan ang ceremonial burning ng mga marijuanang nakumpiska ng mga otoridad sa rehion Cordillera.

Sinabi din niya na sinunog na sa isinagawang ceremonial burning sa Metro Manila ang P25 million na halaga ng mga marijuana mula Cordillera Region.

Kasabay nito ay inamin ni Castro na nananatiling ang Cordillera ang pinagmumulan ng pinakamaraming volume ng marijuana dito sa bansa.