Pumalo na sa P546 million na halaga ang pinsalang iniwan ng Bagyong Urduja sa imprastraktura at agrikultura.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Romina Marasigan, P543 milyon dito ang danyos sa imprastraktura partikular sa mga nasirang national roads sa Masbate, Eastern Samar, Leyte, Samar at Compostela Valley.
Nasa P3 milyon naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura partikular sa mga nasirang mais at palay sa Masbate, Sorsogon at Camarines Sur.
Naniniwala si Marasigan na posibleng tataas pa ang halaga ng pinsala.
Sa ngayon, patuloy pang sinusubukan ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa Biliran, Eastern Samar at Lope de Vega Northern Samar.
Dagdag pa nito na may tig-isang tulay ang hindi madaanan sa Biliran at Romblon pero wala namang isolated na lugar dahil mayroon namang mga alternatibong ruta.