-- Advertisements --

Maaaring maging doble ang ipinataw na multa sa Manila Water, kapag hindi pa naging normal ang supply ng tubig bago sumapit ang Setyembre.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage Services Regulatory Office (MWSS-RO), ang P534 million na ipinataw sa nasabing kompaniya ay para lamang sa aberya noong Marso.

Sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty, P534 million uli ang magiging penalty kapag hindi natapos ng Manila Water ang problema sa mga lugar na may kakapusan ng tubig.

Una rito, sinabi ni Ty na makatatanggap ang mga konsumedores na labis na naapektuhan ng water outage ng P2,197.94 rebate.

Ibabawas aniya ito sa water bill na ibibigay para sa buwan ng Hunyo 2019.