-- Advertisements --
NDRRMC

Pumalo na sa mahigit P505 million ang naitalang pinsala dulot ng 6.1 magnitude na lindol mula sa apat na rehiyon sa Luzon.

Sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa P505,920,000 ang halaga ng pinsala partikular sa mga eskuwelahan, daanan at tulay, mula sa Regions I, III, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at National Capital Region.

As of 3 AM ngayong araw, April 28, nakapatala na ang NDRRMC ng 868 aftershocks habang nasa 3,632 pamilya o 17,410 indibidwal mula sa 41 barangays sa Central Luzon ang apektado.

Sa nasabing bilang, 986 na pamilya o 3,771 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers

Pumalo naman sa 1,549 na bahay ang nasira ng lindol sa Pampanga at Bataan kung saan 162 ang totally damaged at 1,387 ang bahagyang nasira.

Nananatili naman sa 18 ang bilang ng mga nasawi, 243 ang sugatan at lima ang patuloy na hinahanap.