-- Advertisements --
Naibalik sa isang pasaherong Amerikano na si Terrance Alspach ang higit sa P55,000 o $1,017 sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport sa Terminal 3 habang kinukumpleto ang pagalis para makasakay sa kanyang flight patungong Tokyo, Japan.
Nakita ng isang attendant ang wheelchair at agad na inalerto ang Aviation Security guard na si Mercy Pecson, na nakipag-ugnayan sa ANA Airlines, NAIA Terminal 3 Operations, at Airport Police Department (APD) para sa tulong.
Pinuri naman ng Manila International Airport Authority ang mga empleyado ng paliparan dahiil sa pagpapakita ng katapatan at integridad at maging modelo sa lahat ng mga personnel sa nasabing paliparan